Hindi naabot ng pamahalaan na mabakunahan ang target na 5 milyong indibidwal sa ikatalong bugso ng “Bayanihan, Bakunahan” noong Pebrero 10 hanggang 18.
Ito ay matapos sabihin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 3.5 milyong indibidwal lamang ang nabakunahan sa siyam na araw na nationwide mass vaccination program.
Paliwanag ni Vergeire, nahati ang mga healthcare workers para sa Bayanihan, Bakunahan at Resbakuna Kids kaya hindi nakamit ang target vaccinated individuals.
Dagdag pa ng opisyal, naka-apekto rin ang health-related duties ng mga ito at ang pagpopositibo ng ilan sa COVID-19.
Sa kabila nito, ikinagalak pa rin nila ang nadagdag na bilang ng nabakunahang indibidwal sa buong bansa
Sa ngayon, aabot na sa 62.3 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19 na katumbas ng 69.8% ng 77 million na target ng gobyerno.