Target na 50 milyong indibidwal na mababakunahan bago matapos ang 2021, posible na ayon sa NTF Against COVID-19

Posibleng maabot na ng pamahalaan ang target na mabakunahan ang 50 milyong indibidwal sa bansa bago matapos ang taong 2021.

Ayon kay Dr. Ted Herbosa, special adviser to the National Task Force Against COVID-19, lalong tumataas ang antas ng pagbabakuna kada araw na malapit nang umabot sa isang milyon.

Sapat na rin ang suplay ng bakuna sa bansa para maaabot ang herd immunity.


Batay sa huling datos, umakyat na sa 59.1 milyong doses ang kabuuang bilang ng COVID 19 vaccines na naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.

Sa bilang na ito, 27.2 milyong mga Pilipino na ang fully vaccinated habang nasa 31.8 milyon ang nakatanggap ng first dose.

Facebook Comments