Inamin ng Department of Human Settlement and Urban Development o DHSUD na hindi nila kayang tapusin ang una nilang target na 6 million pabahay para sa 4PH o Pambansang Pabahay Para sa mga Pilipino sa bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa Pre-SONA briefing, sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na maraming hadlang sa proyekto, tulad ng pagpopondo sa mga contractor at land acquisition.
Dahil dito, ibinaba ng ahensya ang kanilang housing target sa 3 million pabahay pagsapit ng 2028.
Sa ngayon, mayroon na aniyang 40 projects ang DHSUD na under construction sa iba’t ibang lugar sa bansa na katumbas ng 140,000 units.
Inaaasahan din ng DHSUD na aabot pa ito sa 100 projects bago matapos ang taong 2024.
May nakalatag pa aniyang 1.2 million housing projects, at kasalukuyang silang nakipag-uusap sa mga bangko at iba pang financial institution para mapondohan.