Target na 9% poverty rate sa pagtatapos ng 2028, sisikaping maabot ng administrasyong Marcos

Sisikapin ng administrasyong Marcos na maabot ang target nitong 9% poverty rate pagsapit ng 2028.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, nananatiling prayoridad ng gobyerno na maisakatuparan ang “AmBisyon sa matatag, maginhawa at panatag na buhay para sa lahat.”

Nakatulong aniya ang pagbubukas ng ekonomiya at pagluluwag ng COVID-19 restrictions upang makabangon ang bansa mula sa epekto ng pandemya.


Ipinagmalaki ni Balisacan ang pagtaas ng gross domestic product ng bansa sa unang tatlong bahagi ng 2023 kung saan kinilala ang Pilipinas bilang isa sa mga best performing economy sa Asya.

Ayon sa kalihim, titiyakin ng administrasyon ang mahusay na pagpapatupad sa mga ginagawang intervention ng gobyerno upang mabawasan ang kahirapan sa bansa kabilang na ang Social Protection Floor, Trabaho para sa Bayan Act, Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program at ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program.

Facebook Comments