Target na 90-M fully vaccinated na indibidwal bago matapos ang termino ni Pangulo Duterte, malabo nang makamit -NVOC

Tila malabo nang makamit ang target na 90-M mga indibidwal na fully vaccinated bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo.

Sa Laging Handa public press briefing, inamin ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na mahirap na itong maisakatuparan sa ngayon lalo pa’t may ilang rehiyon sa bansa ang nanantiling mababa ang vaccination coverage.

Ayon kay Cabotaje, umaasa ang NVOC na kahit pumalo man lamang sa 77-M ang mga fully vaccinated bago bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte.


Target din nilang maparami pa ang mga mabibigyan ng booster shot.

Sa nasabing 77-M fully vaccinated sa Hunyo, kinakailangang makapagbakuna ang gobyerno ng 900,000 indibidwal sa kada araw kung kaya’t umaapela ito sa publiko na makiisa at magpabakuna o magpa-booster shot na.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nasa 72-M o 80% ng target population ang fully vaccinated kung saan nasa 12.6-M pa lamang ang naturukan na ng booster shot.

Facebook Comments