Target na bilang na dapat mabakunahan sa Navotas, natapos na ng lokal na pamahalaan

Naabot na ng Navotas City Local Government Unit (LGU) ang bilang na dapat nilang mabakunahan sa kanilang siyudad.

Base sa pinakahuling listahan ay nasa 154,052 na ang bilang ng naiturok nilang 1st dose, lagpas na sa 150,000 na target nilang mabakunahan.

Sa ngayon, konting paghihintay na lang ang inaantabayanan para makumpleto na ang bakuna hanggang sa 2nd dose.


Kasabay ng nagpapatuloy na bakunahan sa siyudad, umapela si Mayor Toby Tiangco na sumunod ang lahat sa pinapatupad na safety health protocol.

Pinaalala rin ng alkalde na dapat mag-ingat pa rin kahit bakunado na ang isang tao dahil ito ay nabibigay proteksyon lamang upang hindi maging matindi ang tama ng COVID-19.

Facebook Comments