Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Taguig na halos lahat ng kanilang residente ay naturukan na ng first dose ng bakuna kontra COVID-19.
Sa datos ng Taguig Local Government Unit (LGU), nasa 99% na ng kanilang target na populasyon ang naturukan na ng first dose.
Katumbas ito ng 874,940 na indibidwal na nakatanggap ng nasabing bakuna.
Nasa 91% naman o katumbas ng 802,880 na mga residente sa lungsod ng Taguig ang nakakumpleto na ng bakuna.
Tuloy-tuloy pa rin ang ikinakasang pagbabakuna ng lokal na pamahalaan ng Taguig kung saan hinihimok nila ang mga residente nito na sumailalim ng pagbabakuna ng booster shot.
Ito’y upang masiguro na magiging ligtas sa epekto ng nasabing sakit habang pinapa-alalahanan naman ang mga nakatanggap ng unang turok ng bakuna na huwag kalimutan ang schedule ng kanilang second dose.
Facebook Comments