Target na COVID-19 vaccine coverage sa bansa, itataas sa 80%

Pinag-aaralan na ng pamahalaan na dagdagan ang target na mabakunahan sa bansa sa gitna ng banta ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, target nilang itaas sa 80 percent mula sa 70 percent ng 109 milyong populasyon ng bansa ang COVID-19 vaccine coverage.

Ibig sabihin, maging ang mga edad 18 pababa ay mapapasama na sa mga babakuhanan laban sa COVID-19.


Una ng sinabi ng mga eksperto mula sa Vaccine Expert Panel na tatasan ang herd immunity target sa bansa kasunod ng local transmission ng Delta variant.

Facebook Comments