Target na herd immunity sa buong bansa, posibleng hindi maabot ngayong taon

Aminado ang Department of Health (DOH) na posibleng hindi maabot ngayong taon ang target na herd immunity sa buong bansa.

Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, posibleng abutin pa ng Enero 2022 bago magkaroon ng herd immunity sa bansa dahil sa pagkaantala ng delivery ng mga COVID-19 vaccine, kabilang na ang mga bakunang galing sa India.

Sa kabila nito, sinabi ni Cabotaje na sisikapin pa rin ng pamahalaan na maabot ang herd immunity sa bansa ngayong taon basta tuloy-tuloy ang pagdating ng mga bakuna.


Target din nila na mag karoon ng herd immunity sa Metro Manila at mga high risk area pagsapit ng Nobyembre.

Facebook Comments