Malayo pa ang pamahalaan mula sa pag-abot sa target nitong mabakunahan ang nasa 70-porsyento ng populasyon ng bansa laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, nasa dalawang porsyento pa lamang ng populasyon ang nababakunahan.
Dagdag pa ni Vega, nananatiling limitado ang supply ng bakuna sa bansa.
Pero tiwala siya na maaabot ang target population kapag dumating na ang bulto-bultong supply ng COVID-19 vaccine sa mga susunod na buwan.
Batay sa datos ng Commission on Population and Development (POPCOM), nasa 109.48 million ang populasyon ng Pilipinas.
Mula nitong June 8, aabot pa lamang sa 1.6 million ang fully vaccinated habang nasa 4.6 million ang nakatanggap ng first dose ng anti-COVID vaccine.
Facebook Comments