Target na pagbabakuna sa 70% ng populasyon laban sa COVID-19, mananatili – DOH

Mananatili ang target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70% ng populasyon laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) kasabay ng paglilinaw sa mga salitang “herd immunity” at “population protection.”

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tuloy pa rin ang pagbabakuna sa 70% ng populasyon para maabot ang herd immunity.


Aniya, ganito rin ang target ng maraming bansa sa mundo.

Ang population protection naman ay pagbabawas ng severe infections, hospitalizations at bilang ng mga namamatay – sa pamamagitan ng pagbabakuna at naaayon pa rin ito sa pag-abot sa herd immunity.

Nangangahulugan lamang ito na kailangang unahin na mabakunahan ang vulnerable sectors tulad ng mga senior citizens at may comorbidities, at healthcare workers.

Facebook Comments