Tiwala ang Department of Agriculture (DA) na maaabot ng pamahalaan ang target na 20.4 million metric tons na output ng bigas para sa 2024.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na mas mataas ito nang halos 400,000 metric tons kumpara sa 20.4 million metric tons na kabuuang ani noong nakaraang taon.
Batay rin sa kanilang datos, mas mababa ang naging epekto ng El Niño na nasa 100,000 metric tons ng bigas kumpara sa kanilang inasahan lalo’t maraming ginagawang paghahanda ang pamahalaan sa El Niño.
Sa kasalukuyan, nakaposisyon na ang mga programa ng gobyerno tulad ng ng water management intervention.
Nagbibigay rin aniya sila ng angkop na teknolohiya, binhi, pataba, irigasyon, at makinarya upang maabot ng bansa ang target palay output nito ngayon 2024.