Aminado si Department of Agriculture Secretary Manny Piñol na malabo nang maabot ang target ng pamahalaan na pagiging rice self-sufficient ng bansa.
Kasunod na rin ito ng pagsasabatas ng Rice Import Liberalization Act na naglalayong payagan ang pagpasok sa bansa ng maraming imported rice.
Gayunman, sinabi ni Piñol na pananatilihin nila ang 93-percent rice self-sufficiency rate.
Sa Marso 5 ay magsisimula na ang implementasyon ng Rice Tariffication Law na inaasahang magpapababa sa inflation rate.
Sa ilalim ng nasabing batas na papayagan na ang mag-import ng iba’t-ibang grupo ng bigas na magreresulta sa mababang presyo nito sa pamilihan.
Sinabi rin ng pamahalaan bilang safety net ay titiyakin nilang mapapatawan ng tamang buwis ang mga papasok na bigas sa bansa.