Target na ₱20 kada kilo ng bigas, mangyayari sa susunod na tatlong taon ayon kay PBBM

Taong 2025 posibleng makabili na ng ₱20 per kilo ng bigas.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang panayam at sinabing kaya kung tutuusin na maibenta na ang bigas sa bente kada kilo pero on a short term basis lamang.

Hindi aniya ito ang klase ng reyalidad na tinatarget ng kanyang administrasyon at sa halip, mapanatili ang actual price ng kada kilo ng bigas sa bente pesos na maaaring maabot sa susunod na tatlong taon.


Hindi madaling gawin ang rice price decrease subalit posible at kaya itong gawin sabi ng pangulo.

Isang paraan ayon kay Pangulong Marcos para magawa ito ay ibalik ang dating function ng National Food Authority (NFA) na sa halip na mag-import ay bumili ng bigas mula sa mga magsasaka.

Sa sandali aniyang magawa na ito ng tuluy-tuloy at mabuo na ang value chain ay dito na maaaring makakamit ang target na ₱20 kada kilo ng bigas.

Facebook Comments