Manila, Philippines – Puntirya ng National Electrification Administration (NEA) na makumpleto ngayong 2018 ang 460,000 na bagong electricity consumer connections.
Ayon kay NEA Information Technology and Communication Services Department manager Roderick Padua, sa loob lamang ng anim na buwan ay naitaas nila ang bilang ng mga bagong consumer connections.
Sa nakalipas na kalahating taon, kabuuang 260,224 bagong consumer connections ang naitala ng ITCSD katumbas ng 56 percent ng kabuuang target ng NEA.
Ayon pa kay ni Padua, ang Luzon Electric Cooperatives ang pinakamaraming share ng karagdagang connections, sinundan ng Mindanao at Visayas ECs.
Nakapag-ambag ito sa overall level ng consumer connections sa loob ng coverage areas ng 121 Electric Cooperatives ng hanggang 12,446,716 o 83 percent ng 15,036,400 potential connections.
May 60 milyong mamamayan na ang nakikinabang sa benepisyo ng elektrisidad sa bansa.