Target ng maturukan ng booster shot para sa “Pinaslakas” campaign, ibinaba sa 30% ng DOH

Ibinaba na ng Department of Health (DOH) sa 30% ang kanilang target para sa COVID-19 booster shot coverage.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, aminado silang hindi na nila maaabot ang 50% na target sa darating na October 8 bunsod ng mababang bilang ng magpapaturok ng booster shot.

Sa kabila nito, tuloy-tuloy pa rin ang kagawaran sa pagsuyod sa mga pampublikong tanggapan upang magbigay ng booster shot.


Umapela rin si Vergeire sa mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan na bumuo ng mga hakbang na makakahikayat sa publiko na magpaturok nito katulad ng mga benepisyo at perks.

Batay sa huling datos ng DOH, nasa 18.6 milyong Pilipino pa lamang o katumbas ng 24% ng eligible population ng bansa ang natuturukan ng booster shot.

Facebook Comments