Target ng pamahalaang gawing world class force ang AFP, nanatili ayon kay PBBM

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pupursigihin ng kanyang administrasyon na gawing world class force ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at magsilbing national pride.

Sa mensahe ng Pangulo sa tradisyunal na hapunan na inorganisa para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Council of Sergeants Major sa Malacañang, sinabi ng pangulo na sisikapin nilang maabot ang target na estado ng AFP na lalong rerespituhin ng kanilang counterpart.

Kasabay nito ay siniguro ng commander-in-chief na ipagpapatuloy ang mga programa at polisiya na may kinalaman sa kapakanan ng mga sundalo kabilang ang mga enlisted personnel at maging ang kani-kanilang mga pamilya.


Kinilala rin ng pangulo ang mahalagang papel ng mga enlisted personnel na aniya’y backbone ng pwersa ng militar lalo’t ito ang bumubuo sa may 90% ng tropa ng mga sundalo.

Mahalaga ayon sa presidente ang papel ng mga ito sa pagtatanggol sa soberenya ng Pilipinas kaya’t importanteng mapangalagaan din ang kapakanan ng mga ito na ginagawa naman ng gobyerno sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments