Target revenue collection ng BOC, nahigitan na hindi pa man tapos ang 2021

Lumampas na sa target ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) hanggang sa ikatlong quarter ng taong 2021.

Sa presentasyon ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts, sa P513.197 billion na target revenue collection ay tumaas pa ng mahigit P12 billion (2.4%) ang nakuhang kita ng pamahalaan mula Enero hanggang Oktubre ng 2021 na papalo na sa P525.367 billion.

Aabot naman sa 3.4% ng gross domestic product (GDP) ang porsyento ng revenue collection na mas mataas kumpara sa 3.0% noong 2020.


Itinuturong dahilan sa pagtaas ng nakolektang buwis ang unti-unting pagbubukas ng ekonomiya, modernisasyon at mga tax reform.

Tinataya namang tataas pa sa P616.7 billion ang makokolektang kita sa buwis ng gobyerno hanggang katapusan ng 2021.

Samantala, ang revenue projection ng pamahalaan sa 2022 ay inaasahang aabot sa P671.7 billion.

Facebook Comments