Target sites para sa COVID-19 vaccine clinical trials ng ilang kompanya, tukoy na

108

Tinukoy na ng Department of Science and Technology (DOST) ang target sites na pagdarausan ng clinical trial ng COVID-19 vaccines mula sa mga kompanyang Janssen, Clover Biopharmaceuticals at Sinovac Biotech.

Isasagawa ang clinical trial ng kompanyang Janssen sa mga lungsod sa Metro Manila, Bacolod City, San Pablo at Cabuyao sa Laguna at La Paz, Iloilo.


Habang sa Quezon City, Makati, Manila City, Taguig, Las Piñas, Muntinlupa; Calamba, Laguna at Dasmariñas, Cavite naman ang kompanyang Clover.

Napili naman ang Quezon City, Marikina, Pasay, at Alaminos sa Laguna para sa clinical trial ng bakuna ng Sinovac.

Sa ngayon, wala pa ring tiyak na petsa kung kailan sisimulan ang nasabing clinical trial sa bansa.

Facebook Comments