Target supply ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas, sapat na para maabot ang herd immunity – Duque

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang 60 million Filipinos na target ng pamahalaan na mabakunahan laban sa COVID-19 ay layong maabot ang herd immunity.

Ito ang tugon ni Health Secretary Francisco Duque III sa pahayag ni Philippine Foundation for Vaccination (PFV) Director Dr. Lulu Bravo na 50 million vaccine supplies ay hindi sapat para makamit ang herd immunity.

Ayon kay Duque, nakalikom sila ng 73.2 billion pesos para makabili ng bakuna para sa 60 million population.


Ang mga eksperto at ang World Health Organization (WHO) na ang nagrekomenda ng 60% hanggang 70% ng populasyon ang dapat mabakunahan.

Facebook Comments