Kinumpirma ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na magkakaroon ng tariff adjustment ang dalawang pangunahing water concessionaires.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Lester Ty, inaprubahan ng kanilang Board of Trustees ang 4th quarter foreign currency differential adjustment na epektibo sa October 1, 2024.
Sa rekomendasyon ng MWSS Board of Trustees, tataas ng 2.03% na tariff increase sa mga mga customer ng Manila Water mula sa dating P42.26 per cubic meter o P0.86 per cubic meter.
Habang 0.62 percent naman ang ibababang tariff sa average charge ng Maynilad na ₱47.57 per cubic meter o ₱0.29 per cubic meter.
Ang Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) ay isang quarterly review mechanism na nagpapahintulot sa mga water concessionaire na makabawi sa mga pagkalugi ng dulot ng pagbabago sa foreign currency rates na nakakapekto sa binabayarang inutang umano na para sa expansion program ng water and sewerage services.