Nakalikom ng P12.3 billion ang gobyerno mula sa taripa sa pinapasok na imported na bigas sa bansa.
Sa virtual presser sa Department of Agriculture (DA), sinabi ni Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program Director Roy Abaya, mula sa naturang pondo, ₱10 billion ang naitabi para sa RCEF.
Ani ni Abaya, nitong Hunyo, obligated na ang ₱5 billion sa mechanization component ng agriculture sector.
Inaasahang bago matapos ang 2020, ay makukumpleto ang full mechanization ng mga magsasaka na nagtatanim ng palay at mapapaunlad ang kanilang produksyon at mapapalaki ang kita.
Idinagdag pa ni Abaya na dahil sa pandemic, inaasahan ng DA na bababa ang import ng bansa.
Tiniyak naman ni Abaya na kahit hindi umabot ng ₱10 billion ang koleksyon, tuloy pa rin na matatanggap ng mga rice farmers ang ₱10 billion na pondo sa RCEF.