Taripa sa bigas, walang pangangailangan para ibaba

Kinuwestyon ni Committee on Economic Affairs Chairperson Senator Imee Marcos ang pagbaba sa taripa na ipinapataw sa bigas.

Aniya, walang pangangailangan para ibaba ang rice tariffication dahil sapat naman ang suplay nito at steady ang presyo nito na ₱27 kada kilo.

Wala ring umanong kinalaman ang bigas sa sinasabing food inflation na kinabibilangan lang ng baboy, isda, at ilang gulay.


Punto ni Marcos, bakit biglang babawasan ang taripa at koleksyon ngayong naghahanap tayo ng pera para makabili ng bakuna at magpatayo ng ospital.

Kaugnay nito ay tinatanong ni Marcos kung totoo ang balitang paraan ito para papasukin ang bigas galing sa India na lino-lobby ng ilang malalakas sa administrasyon.

Umaasa ang senador na hindi ito mangyayari dahil dahil baka may kasama pang COVID-19 ang bigas mula sa India.

Facebook Comments