
Inirekomenda ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng ilang hakbang kaugnay sa importasyon ng Pilipinas ng bigas.
Ayon kay Philippine Communication Office (PCO) Secretary Dave Gomez, kabilang sa inirekomenda ang pagtataas ng taripa sa bigas na ini-import ng bansa.
Habang plano rin na pansamantalang itigil muna ang pag-aangkat upang protektahan ang local farmers.
Tatalakayin ito nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga miyembro ng gabinete sa sidelines ng kaniyang state visit sa India.
Ngayong araw nang bumiyahe ang Pangulong Marcos Jr. patungong India para sa limang araw na state visit.
Facebook Comments









