Taripang ipinapataw sa mga imported na bigas, nais taasan ng Dept. of Agriculture

Plano ng Department of Agriculture (DA) na dagdagan ang taripang ipapataw sa mga imported na bigas at higpitan ang pagbibigay ng Sanitary Permits sa mga ito.

Layunin nitong matulungan ang mga magsasakang apektado ng pagbaba ng presyo ng palay sa ilalim ng Rice Tariffication Law.

Mula 35% ay itataas sa 75% ang ipapataw na taripa sa mga imported rice na manggagaling sa ASEAN Countries, habang nasa 100% naman ang i-aakyat na taripa sa mga bansang hindi kasapi ng ASEAN.


Hihigpitan din ang pagbibigay ng sanitary permit sa mga ito.

Paliwanag ni Agriculture Sec. William Dar, sobra na ang supply ng imported rice sa bansa.

Kumukuha na sila ng matibay na basehan para aprubahan ang Rice Tariff Commission.

Target ng batas na punan ang pitong porsyentong kakulangan sa supply ng Pilipinas.

Pero nang simulan ito, lumobo sa 2.4 Million metric tons na imported rice ang pumasok sa Pilipinas, katumbas ito ng higit 11.7% na Rice Requirement ng Pilipinas.

Lagpas na halos limang porsyento na supply ng bigas.

Facebook Comments