Tarlac Police, bumuo na ng komite na maghahanap sa magkasintahang nawawala sa Tarlac

Bumuo na ng Committee on Missing Persons ang Tarlac Provincial Police Office.

Sa impormasyon ni Capas Municipal Police Station Chief Lt. Col. Librado Manarang sa Kampo Krame layon nitong mapabilis ang paghahanap sa beauty pageant candidate na si Geneva Lopez at ang kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen na nawawala simula pa noong June 21.

Bukod pa rito ang imbestigasyon sa natagpuang sunog na SUV sa Capas, Tarlac kung saan nakita ang ilang gamit ng nawawalang kandidata.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon kung ito’y sadyang sinunog o nasunog.

Una rito, sinabing nagtungo sa Tarlac City ang magkasintahan para tingnan ang bibilhing lupa.

Nakipagkita ng dalawang ang middleman sa bibilhing lupa pero hindi na nakabalik pa ang mga biktima ayon na rin sa pamilya ni Lopez.

Ayon kay Manarang, dating pulis ang middleman na naalis sa serbisyo at dating nakatalaga sa Angeles City Police Station kung saan ang kanyang sideline ay pagiging middleman sa ibinebentang lupa.

Facebook Comments