Tarlac police, wala pang itinuturing na person of interest sa pagkawala ng isang beauty queen at kanyang kasintahan

Hindi pa itinuturing sa ngayon ng Tarlac Provincial Police Office na person of interest (POI) ang middleman na kinita ng beauty pageant candidate na si Geneva Lopez at ang kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen bago sila nawala simula noong June 21, 2024.

Sa impormasyon ni Capas Municipal Police Station Chief LTCol. Librado Manarang sa Kampo Krame, hindi pa nila itinuturing na POI ang middleman dahil wala pa namang kaso na naisasampa laban dito.

Nakapagbigay narin aniya ng salaysay ang naturang middleman sa pulisya.


Una nang bumuo ng committee on missing persons ang Tarlac Provincial Police Office para agarang imbestigahan ang pagkawala ng 2.

Kasunod nito, umaapela ang pulisya sa sinumang nakakita sa 2 biktima na agad na makipagtulungan sa kanila.

Sa ngayon nasa 350,000 na ang reward money sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan nina Lopez at kanyang kasintahan.

Facebook Comments