Monday, January 19, 2026

Tarragona, Davao Oriental, niyanig ng tatlong malalakas na lindol

Niyanig ng tatlong malalakas na lindol ang Tarragona, Davao Oriental.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), alas 11:42 kagabi nang unang maramdaman ang magnitude 5.1 na lindol sa layong 219 kilometro timog-silangan ng bayan ng Tarragona.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 1 kilometro.

Kaninang alas-4:17 ng madaling araw, mas malakas na magnitude 5.3 ang tumama sa Tarragona na sinundan ulit ng magnitude 5.1 kaninang alas-4:28 ng madaling araw.

Wala pang naiulat na pinsala dahil sa lindol pero inaasahan ang mga aftershocks.

Facebook Comments