Task force against insurgency, binuo

Manila, Philippines – Bumuo ang pamahalaan ng task force against insurgency na tututok sa mga rebeldeng komunista.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office o PCOO Secretary Martin Andanar, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang chairman ng binuong task force.

Aniya, labis nang ikinadidismaya ng Pangulo ang ginagawang pag-atake at pagpatay ng New Peoples Army o NPA kaya ginagawa nito ang lahat para masugpo ang mga rebelde.


Sabi pa ni Andanar, mahigpit ang bilin ng Pangulo na sugpuin ang mga rebeldeng komunista maging ang kanilang legal front.

Facebook Comments