Manila, Philippines – Aarangkada na ang binuong “Task Force Baklas” laban sa mga pasaway na kandidato na lumalabag sa mga panuntunan hinggil sa mga campaign materials.
Pangungunahan ito ng Commission on Elections (Comelec) kasama ang mga tauhan mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Comelec James Jimenez, layunin ng Task Force Baklas na tanggalin ang mga campaign materials na nakalagay o nakakabit sa mga lugar na hindi pinahihintulutan ng Comelec.
Sinabi naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia dapat sumunod ang mga kandidato sa mga panuntunan ng Comelec upang hindi masayang ang kanilang mga campaign paraphernalias.
Binalaan din ni National Capital Region Police Office Chief Director Guillermo Eleazar ang mga supporters ng mga kandidato na mahaharap sila sa asunto sa oras lumabag sila sa Omnibus Election Code.
Magsisimula ang kampaniya ng Task Force Baklas sa katapusan ng Pebrero at magpapatuloy sa araw ng eleksyon.