Task Force Bangon Marawi Chief, naniniwala na may coordinated at sustained efforts para siraan ang nakamit sa Marawi rehab

Naniniwala si Task Force Bangon Marawi Chairman at Secretary Eduardo del Rosario na may sustained efforts para siraan ang mga nakamit sa pag-rehabilitate sa Marawi City.

Aniya, ang katulad ng mga conflict group na Alert Philippines at makakaliwang grupo ay walang tigil sa pagpapalaganap ng kasinungalingan.

Dagdag pa niya, sa layunin ng mga nagpapakilalang conflict watchdog na siraan ang rehab efforts, pinalilitaw nila na kakaunti ang ginagastos na pondo.


Binigyan-diin ng kalihim na buwan ng Abril hanggang Mayo ay bumagal ang construction activities dulot ng pandemya.

Hindi aniya nakita ng mga kritiko ang nagawa nilang pagtugon sa kagutuman sa lugar, ang pagtatayo ng temporary shelters, ang paglalaan ng provision sa health services at pagkakaloob ng livelihood assistance sa mga apektadong residente.

Facebook Comments