Task Force Bangon Marawi Chief, pumalag sa pahayag ni VP Robredo na walang nangyayari sa Marawi City rehabilitation

Tinawag na mali at baluktot ang kaalaman ni Vice President Leni Robredo sa rehabilitation efforts ng gobyerno sa Marawi City.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi Chairman Secretary Eduardo Del Rosario, isang insulto sa 56 na government agencies na kabilang sa nagtatrabaho para ibangon ang lungsod ang mga ipinahayag ng Bise Presidente na walang nangyayari sa rehabilitation efforts.

Aniya, hindi kailanman huminto ang massive rehabilitation ng Marawi City.


Aniya, taliwas sa sinasabi ni Rodredo na nakatira pa rin sa evacuation centers ang mga residente, nilinaw nito na lahat ng internally displaced residents ay nakatira na sa mga government-built transitory shelters.

Dagdag ni Del Rosario, sa buwan ng Hulyo ay full blast na ang major construction works.

On-track aniya sila sa target na makumpleto ang rehabilitation efforts sa December 2021.

Kasunod ito ng ipinalabas na P3.56-billion pesos ni Pangulong Rodrigo Duterte na budget para sa Marawi City projects noong April at May 2020.

Facebook Comments