Task Force Bangon Marawi Chief, suportado ang pagpasa Anti-Terror Bill

Suportado ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman Eduardo Del Rosario ang Anti-Terrorism Bill bilang solusyon upang matuldukan na ang aktibidad ng mga terorista na nagpapabagal sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan at pag-unlad ng bansa.

Ayon kay Del Rosario, na siyang sumusubaybay sa massive rehabilitation sa Marawi City, ang pagpasa ng isang may pangil na anti-terror measure ay masyado nang lampas sa panahon.

Nanawagan sa publiko si Del Rosario na suportahan ang Anti-Terror Bill dahil ito ang tatapos sa kriminalidad at paghahasik ng karahasan.


Hindi aniya ito nilikha upang alisin ang kalayaan ng mamamayan na sumusunod sa mga batas.

Ito aniya ang sagot sa banta ng terorismo partikular sa pagtapos sa recruitment ng mga kabataan upang magrebelde laban sa gobyerno.

Hindi aniya kalayaan sa pamamahayag ang linlangin ang mga kabataan at kumolekta ng revolutionary taxes.

Giit ng TFBM Chairman, kung mapuksa na ang panliligalig ng ilang grupo, magiging mabilis na ang paghahatid ng serbisyo at proyekto sa kanayunan at magkakaroon ng mas malawak na oportunidad para sa lahat.

Facebook Comments