Suportado ni Task Force Bangon Marawi Chairman Secretary Eduardo Del Rosario ang paglikha ng bagong batas na naglalayong bigyang kumpensasyon ang mga naging biktima ng bakbakan noong 2017 sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng Mautes-ISIS terrorist group.
Ayon kay Del Rosario, kapag naipasa, magbibigay daan ito sa paggawa ng iba pang batas na maggagarantiya sa pagkakaloob ng karampatang remedyo at kumpensasyon sa iba pang biktima ng armed conflicts.
Sa online hearing ng House Committee on Disaster Resilience sa Marawi Compensation Act, tiniyak ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Chief na on track ang pagtapos sa lahat ng infrastructure projects sa Marawi City na target makumpleto sa December 2021.
Taliwasa sa mga ipinapakalat ng mga kritiko ng Duterte administration, sinabi ni Mayor Majul Gandamra na bumabalik na ang sigla ng economic activities sa lungsod bunsod ng reconstruction works sa tinatawag na most affected area o “ground zero.”