Sumailalim sa isang CapacityBuilding Seminar ang mga miembro ng Task Force Bantay Karne sa syudad ngDipolog sa pangunguna ng pamahalaang lokal ng syudad katuwang ang mgaveterinary doctors mula sa National Meat Inspection Srvice (NMIS) ng PagadianCity at Veterinary Quarantine ng syudad ng Dipolog.
Ayon kay Dra. Imelda R.Villacrusis, kasalukuyang OIC-City Veterinarian, layunin nito na mabigyan ngkaalaman ang mga miembro ng Task Force hinggil sa “African Swine Fever” (ASF)virus. Inatasan ngayon ang Task ForceBantay Karne na higpitan ang pagbabantay sa mga pumapasok na mga buhay na baboy, at processed meat products kahit na ito’y chilled, frozen or canned sa mgaairport, feeder port o bus terminal na hindi rehistrado at walang kaukulangdokomento mula sa Bureau of Animal Industry (BAI) para manatiling ASF-free ang syudad o probinsya. -30- (Mardy D. Libres)
Task Force Bantay Karne sa Dipolog sumailalim sa isang Capacity Building Seminar
Facebook Comments