Bumuo na ang Pasay City Police ng Task Force na tututok sa kaso ng pagkawala ng pitong kabataan sa Pasay City.
Ayon kay Pasay Mayor Imelda Calixto-Rubiano, dumulong na sa kanila ang mga magulang ng pitong nawawala na may mga edad 15 hanggang 22 na pinangangambahang dinukot.
Nanawagan naman ang Alkalde sa mga magulang at mga guro na maging mapagmatyag at mag-ingat sa mga outdoor activity kasama ang mga estudyante.
Mahigpit na ring ipatutupad ang curfew sa mga menor de edad mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.
Nangangalap na ang Pasay City Police ng mga CCTV Footage sa mga lugar kung saan huling nakita ang mga nawawalang kabataan.
Facebook Comments