Task force, binuo ng PNP para tutukan ang talamak na illegal recuiter sa bansa ngayong may pandemya

Isang memorandum circular ang inilabas na pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na lumilikha ng isang task force para paigtingin ang kanilang kampanya laban sa mga illegal recruiter.

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, tinawag itong Task Force Against Illegal Recruitment o TFAIR na pamumunuan ng PNP-CIDG na naatasang pag-aralan at maglunsad ng operasyon laban sa iba’t ibang modus operandi ng mga kawatan.

Aniya, sa kabila na hindi masyadong napapansin dahil sa COVID-19 pandemic, sinabi ni Eleazar na patuloy silang nakatatanggap ng mga sumbong na pinagsasamantalahan pa rin ang mga nagnanais magtrabaho sa ibayong dagat.


Inaatasan din ni Eleazar ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsumite ng target list ng mga illegal recruiter batay sa kanilang intelligence gathering at mga impormasyong ibinibigay mismo ng mga biktima.

Panawagan naman ni Eleazar sa mga biktima ng illegal recruitment na magsumbong sa kanila para agad itong maaksyunan.

Facebook Comments