May binuo ng Task Force ang Department of the Interior and Local Government o DILG at Philippine National Police o PNP upang imbestigahan ang kumalat na malisyosong video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang tinutukoy na video ay ang umano’y pagsinghot ng droga ng sinasabing si Pangulong Marcos.
Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, peke ang video at kanila nang inaalam sa ngayon kung saan galing at sino ang nagpakalat ng naturang video.
Bagama’t sa ibang bansa unang kumalat ang video, kanila pa ring aalamin ang motibo sa pagpapakalat nito.
Babala naman ni PBGen. Matthew Baccay, acting Director for Investigation & Detective Management na mahaharap sa paglabag sa Anti Cybercrime Law ang nagpakalat at mag sshare ng video kung saan may kaakibat itong pagkakakulong.
Panghuli, pinayuhan ni Abalos ang netizens na maging mapanuri sa anumang mapapanuod nila sa social media at iwasang mag-share ng deepfake videos at fake news.