Task Force Demokrasya, nanawagan sa Comelec ng pagbasura sa Smartmatic

Sumusuporta na rin ang grupong Task Force Demokrasya o TASDEM sa pahayag ng Pangulong Duterte na alisin na ang serbisyo ng Smartmatic sa pagdaraos ng eleksyon sa bansa.

Kasunod ito ng mga naging kapalpakan sa nakalipas na halalan.

Isinisigaw rin ng grupo ang pagbuwag sa Comelec.


Naniniwala rin ang task force na may nangyayaring sabwatan sa pagitan ng Comelec at Smartmatic.

Anila, ilang eleksyon na ang nagdaan gamit ang Smartmatic machines subalit nananatili pa rin ang mga kapalpakan.

Nanawagan din ang TASDEM ng tuluyang pagbasura sa automated system.

Facebook Comments