Task Force Disiplina, Barangay Disiplina Brigades, Force Multipliers at Police Marshalls, pinabubuhay ng DILG

Ipinag-utos na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Metro Manila Local Government Units (LGUs) at National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagpapaigting sa pagpapatupad ng minimum public health standards.

Ito’y sa panahon na ipinatutupad na ang bagong COVID-19 Alert Level System sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa paglipat sa isang bagong sistema ng Alert Level, hindi pa rin nabago ang pinakapangunahing mga patakaran nito.


Paliwanag ng kalihim, mahalaga sa lahat na nakakasunod ang tao sa health protocols tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, face shield, at physical distancing.

Dagdag pa ni Año, kailangan ng mga LGUs at NCRPO na buhayin ang kanilang Task Force Disiplina, Barangay Disiplina Brigades, Force Multipliers at Police Marshalls, para mapigil ang mga aktibidad na pagmumulan ng transmission ng virus.

Facebook Comments