Task Force Disiplina Chief ng QC, tinawag na ‘malisyoso’ ang pagka-gawa ng balita sa ‘shoot to kill’ story

Tinawag na malisyoso ni Quezon City Community Barangay Affairs Rannie Ludovica ang pagkakagawa ng balita kaugnay sa kanyang Facebook post na dapat ay i-shoot to kill ang mga pasaway sa quarantine protocols.

Sa kanyang bagong Facebook post, nilinaw ni Ludovica na personal niyang opinyon ang shoot to kill sa mga pasaway at hindi opisyal na kumakatawan sa lokal na pamahalaan ng lungsod.

Ayon kay Ludovica, dismayado kasi siya dahil ibinalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula sa General Community Quarantine (GCQ) ang QC dahil sa sobrang daming mga pasaway sa simpleng health protocols.


Tiniyak din nito na siya ay kaisa ng lahat ng frontliners na itinataya ang kanilang buhay at pamilya para lamang labanan ang Coronavirus Disease.

Nauna nang tinawag ni Sen. Risa Hontiveros na crime against humanity ang pahayag ni Ludovica na shoot to kill sa mga pasaway.

Ayon sa senador, hindi dapat ganito ang nagiging pahayag ng isang opisyal ng lokal na pamahalaan dahil inilalagay lamang nito ang batas sa kanyang kamay na hindi makakatulong sa paglaban sa COVID-19.

Facebook Comments