Task Force Disiplina, pinagpapapiwanag ng QC government sa nag-viral na pwersahang pag-aresto sa ilang mga vendor sa isang palengke sa Novalichez, QC

Pinagpapaliwanag ngayon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga tauhan ng Task Force Disiplina kung mayroong paglabag sa isang regular na operasyon na nauwi sa pwersahang pag-aresto sa ilang mga vendor sa isang palengke sa Novaliches, QC.

Ayon kay Mayor Belmonte, dapat ipaliwanag ng mga tauhan nG Task Force Disiplina ang Post sa Facebook ng isang Angeline Villarmino kung saan nagpaputok pa umano ng baril ang mga tauhan ng Task Force Disiplina.

Batay sa post sa FB, mahigit 900 shares at 11,000 views na ang nagba-viral na pilit isinasakay ang lalaking vendor sa bahagi ng Novaliches, QC kung saan umaalma ang inaaresto at pinipigilan ng ilang kapwa nito mga vendor.


Hindi pa malinaw kung bakit inaresto ang ilang vendor pero isa sa trabaho ng mga Task Force Disiplina ang ayusin ang paraan ng pagtitinda ng mga vendor para sa mas maayos na pagtitinda at pamimili ng mga taga-Quezon City.

Naiparating na kay Task Force Disiplina Head Rannie Ludovica ang kumakalat na post sa Facebook at nangako ang opisyal na ito ay kaniyang paiimbestigahan at hindi kukunsintihin ng lokal na Pamahalaan ng QC.

Facebook Comments