TASK FORCE DISIPLINA SA BAYAMBANG, ILULUNSAD NGAYONG ARAW

Nakatakdang umarangkada ngayong araw, August 1, 2025 ang paglulunsad ng Task Force Disiplina sa bayan ng Bayambang.

Ang paglulunsad nito ay nakabatay sa Executive Order No. 74, s. 2025 na inilabas ng alkalde ng bayan.

Nagtatakda ito ng mga piling lugar sa bayan bilang ‘Discipline Zones.’

Layon ng inisyatibo na mapaigting pa ang pagpapatupad ng mga ordinansa pagdating sa disiplina, kaayusan at kalinisan ng kanilang nasasakupan.

Samantala, ilan pa sa mga programa at proyekto ang tinututukan sa bayan tulad ng usapin sa imprastraktura at sistematikong pagpapatupad ng mga programang nabase sa mga barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments