Simula ngayong araw, October 1, magtitiket na ang mga Task Force Disiplina sa lahat ng mga Violators ng mga iniimplementang batas sa bayan.
Iginiit sa ginanap na pulong ang istriktong pagpapatupad ng Task Force Disiplina sa mga batas.
Pinatawag rin ang 77 na Punong Barangay para hingiin ang kanilang suporta sa implementasyon ng mga nasabing batas mula national hanggang lokal na mga ordinansa.
Bukod dito, tinalakay rin ang estado sa bagong rerouting plan sa sentro ng bayan na siyang napagkasunduan sa naging pulong ng Task Force Disiplina (TFD), Bayambang Public Safety Office at dinaluhan rin ng mga bus at van operators, jeepney drivers, at TODA president sa bayan.
Matatandaan na inilunsad ang nasabing grupo upang paigtingin ang pagbabantay sa bisinidad at tiyakin na ang lahat ay sumusunod sa mga patakaran at ordinansa.
Facebook Comments









