Task Force El Niño, nakatutok na sa walong probinsya na nakakaranas ngayon ng matinding tagtuyot

Tinututukan na ng Task Force El Niño ang walong probinsya sa bansa na nakararanas na ngayon ng matinding tagtuyot dahil sa epekto ng El Niño Phenomenon.

Ang mga ito ay ang probinsya ng Apayao, Bataan, Cagayan, Cavite, Ilocos Norte, Kalinga, Palawan, at Zambales.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Office of Civil Defense Spokesperson Edgar Posadas na ilang intervention na inilatag ng mga ahensyang kabilang sa task force para maibsan ang epekto ng El Niño sa walong probinsya.


Kabilang aniya rito ang ayuda sa mga apektadong magsasaka at mangingisda ng Department of Agriculture, pagtitiyak ng sapat at malinis na tubig ng Department of Environment and National Sources, pagsisiguro na walang kakalat na sakit sa panig ng Department of Health at iba pa.

Nabatid na sa pagpasok ng Abril ay mahigit 50 probinsya pa sa bansa ang makakaranas ng tagtuyot.

Gayunpaman, tiniyak ni Posadas na nakahanda ang national government sa pagtugon sa epekto ng El Niño Phenomenon sa bansa.

Facebook Comments