Task Force El Niño, nakiusap na iwasan munang gumamit ng inflatable pools at maglinis ng swimming pool sa gitna ng nararanasang epekto ng tagtuyot

Nakiusap ang Task Force El Niño sa publiko na iwasan munang gumamit ng inflatable pools at ipagpaliban muna maintenance o paglilinis ng mga swimming pool.

 

Ito ay upang makaiwas sa krisis sa tubig dahil sa epekto ng el niño.

 

Ayon sa tagapagsalita ng Task Force na si Asec. Joey Villarama, dalawang buwan pang mararamdaman ang matinding epekto ng tagtuyot kung saan halos buong bansa na ang makararanas nito pagsapit ng katapusan ng Abril.


 

Una nang nanawagan ang task force sa mga nakatira sa mga village at condominium sa Metro Manila na magtipid sa paggamit ng tubig.

 

Sa halip na gumamit ng hose sa paglilinis ng sasakyan, daanan, at pagdidilig, mainam anilang gumamit na lamang ng tabo at timba.

 

Maaari ring saluhin ng timba o drum ang tubig-ulan na magagamit sa pagdidilig at pambuhos sa banyo.

Facebook Comments