Task Force El Niño, pumalag sa ulat na nagkulang ang pamahalaan sa paghahanda laban sa El Niño

Pumalag ang Task Force El Niño sa isang ulat na nagsabing nagkulang sa paghahanda ang pamahalaan upang masolusyunan ang nararanasang epekto ng El Niño.

Sa editoryal ng isang pahayagan, binanggit ang pag-aaral ng World Bank noong 2019 patungkol sa in-depth economic calculations sa magiging epekto ng El Niño sa agricultural productions, ekonomiya, at kahirapan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, nilinaw ni Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Joey Villarama, na ginawa ng pamahalaan ang mga iminungkahi ng World Bank upang mapangalagaan ang ekonomiya ng bansa laban sa epekto ng El Niño.


Partikular dito ang pagpapalawak at pagsasaayos ng irrigation system, pagtuturo ng mga estratehiya sa pagsasaka, at pamimigay ng mga drought-resistant seeds at high-value crops.

Bukod dito ay ipinatupad din ng pamahalaan ang cash transfer program upang suportahan ang mga magsasakang apektado ng El Niño.

Iba pa aniya ito sa long-term solution na inihahanda ang pamahalaan tulad ng mga proyekto na titiyak sa water at food security.

Facebook Comments