Task Force El Niño: Tubig sa mga dam, kulang pa rin sa kabila ng nararanasang mga pag-ulan

Inihayag ng Task Force El Niño na hindi pa rin sapat ang mga nararanasang pag-ulan para mapalamig ang panahon, at mapunan ang kakulangan sa tubig ng mga dam.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Task Force Spokesperson at PCO Assistant Sec. Joey Villarama na sa kabila ng mga pag-ulan at pagpasok ng Bagyong Aghon, naitatala pa rin ang danger o extreme heat levels sa iba’t ibang lugar.

Nananatili pa rin aniya ang problema sa kakulangan sa tubig sa mga dam.


Nauna na ring sinabi ng PAGASA na hindi pa magiging madalas ang mga mararanasang pag-ulan kahit tapos na ang El Niño at nasa neutral phase na ang panahon.

Samantala, nagpapatuloy naman recovery efforts at rehabilitasyon ng pamahalaan, lalo na sa mga natuyong lupang sakahan at palaisdaan dahil sa nagdaang tagtuyot.

Facebook Comments