Task Force ENSO konta El Niño, binuo ng Makati LGU

Bumuo ang Lokal na Pamahalaan ng Makati ang isang task force para harapin ang mga problemang dala ng inaasahang El Niño phenomenon sa mga darating na buwan.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, ang Task Force El Niño and Southern Oscillation o ENSO, ang siyang mamamahala sa paghahanda ng buong lungsod, kasama ang mga supplier ng kuryente at tubig, para sa posibleng kakulangan nito.

Kasama sa mga ito ang mababang supply ng pagkain sa merkado, pagdami ng mga kasong kailangan ng emergency healthcare services, rotational brown outs, at kakulangan sa supply ng tubig sa Makati.


Matatandaan na sa huling datos ng PAGASA, nasa 80 percent na ang posibilidad na mararanasan ng bansa ang mga epekto ng El Niño sa mga buwan ng Hunyo hanggang Setyembre.

Facebook Comments