TASK FORCE FESWAY, BINUO NG PDEA PARA SA NAWAWALANG AGENT

Cauayan City, Isabela- Bumuo na ng Task Force ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para pangunahan ang paghahanap sa matagal nang nawawala na si Agent I Merton Fesway.

Hinihinala na ang nasabing PDEA agent ay kinidnap ng mga hindi pa matukoy na salarin.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, pumirma at naglabas ito agency order para sa pagbuo ng “Task Force Fesway” na binubuo ng 24-man intelligence and investigation team na siyang magsasagawa sa paghahanap sa nawawalang anti-drug operative.


Siniguro naman ng Director na hindi sila titigil hanggat hindi nahahanap o natatagpuan si Fesway.

Si Fesway ay isang tubong Bontoc, Mt. Province, 38 taong gulang na nakatalaga sa PDEA Regional Office III Pampanga Provincial Office sa Angeles, Pampanga.

Nagsimulang hindi na makita si Fesway noong gabi ng June 25, 2021.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nakatakdang makipagkita si Fesway sa isang confidential informant nang bigla itong hindi na nagparamdam at nakita.

Facebook Comments